NBI pasok sa PMA hazing
March 15, 2001 | 12:00am
Binigyan ng tatlong araw ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).
Sa naging pahayag ni Justice Secretary Hernando Perez, kailangan na agad na maimbestigahan ang naturang insidente upang malaman kung ano ang tunay na naganap sa pagkamatay ng kadete at maparusahan ang may gawa nito.
Lumalabas na si 4th Class Cdt. Edward ay namatay habang isinasagawa ang hazing noong nakaraang Sabado sa loob ng akademya.
Dahil dito inatasan ni Perez si NBI Director Reynaldo Wycoco upang makialam na sa kaso upang mapabilis ang paglutas nito.
Samantala, kasalukuyan namang nakadetine sa PMA stockade ang mga superior nito na umanoy bumanat sa biktima na sina 3rd Class Cdts. John Louie Ong, Williard Aperocho at Omar Labajo. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest