^

Probinsiya

OFW tiklo sa drug buy-bust

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang Overseas Filipino Workers na naging big-time drug pusher at umano’y konektado sa local at international drug syndicate ang nasakote ng mga operatiba ng 4th Regional Narcotic Office sa isang drug-bust operation sa Calamba Jeepney Terminal, Crossing, kamakalawa.

Nasamsam ng mga pulisya ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyon at nakabalot sa isang plastic na nakalagay sa isang clutch bag.

Kinilala ni Supt. Donatilo Balabala, ang nadakip na balik-bayan na si Nasef Mohammad, 27, alyas Nasef at nakatira sa Harvard st. Cubao, Quezon City.

Sinabi ni Balabala na si Nasef na kauuwi lamang buhat sa isang bansa at naging aktibo sa pagbebenta ng shabu hanggang sa maging big-time drug pusher sa Laguna matapos na magkaroon ito ng mga koneksyon sa mga lokal drug-dealer at hinihinalang maging sa international drug syndicate.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang mga NARGROUP buhat sa isang drug user na may nagaganap na bentahan ng shabu sa jeepney terminal mula sa suspek ay kaagad nagsagawa ng isang linggong surveillance operation ang mga pulisya sa mga lugar na pinagbebentahan ng droga ni Nasef.

Isang ahente ang nakipag-deal ng isang kilo ng shabu kay Nasef subalit nauwi na lamang sa 300 gramo dahil sa kawalan ng supply.

Dakong alas-3:00 ng hapon, nang isagawa ang buy-bust operation habang inaabot ni Nasef ang droga sa isang nagpanggap na poseur buyer na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek. (Ulat ni Ed Amoroso)

CALAMBA JEEPNEY TERMINAL

DONATILO BALABALA

DRUG

ED AMOROSO

ISANG

ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKERS

NASEF

NASEF MOHAMMAD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with