^

Probinsiya

3 engineers tiklo sa baril at karnap na sasakyan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Dalawang engineer ang nasakote ng operatiba ng 4th Regional Traffic Management Group sa hiwalay na operasyon na isinagawa sa Batangas at Lucena, Quezon makaraang mahulihan ang isa sa mga ito ng baril habang ang isa naman ay nakuhanan ng karnap na sasakyan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Eduardo Sumanga, 53, civil engineer at nakatira sa Mega Heights Subdivision, Barangay Alangilan, Batangas City at Eng. Brigido Malaluan ng Lucena City.

Si Sumanga ay nahulihan ng isang cal. 357 at isang 9mm na parehong walang kaukulang papeles, samantalang narekober naman kay Malaluan ang isang karnap na Mitsubishi L200.

Binanggit pa sa ulat na ang naturang sasakyang nakuha kay Malaluan ay pag-aari ng Suner Tech. Corp. na nakarnap noong nakalipas na Oktubre 1999 sa Annapolis St. Greenhills San Juan, Metro Manila.

Ang mga nadakip ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ANNAPOLIS ST. GREENHILLS SAN JUAN

BARANGAY ALANGILAN

BATANGAS CITY

BRIGIDO MALALUAN

ED AMOROSO

EDUARDO SUMANGA

LUCENA CITY

MALALUAN

MEGA HEIGHTS SUBDIVISION

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with