Dahil sa basura, mister tinodas sa harap ng misis
February 21, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kapitbahay ang isang 54-anyos na mister sa harap mismo ng kanyang misis ng dahil lamang sa basura, kamakalawa ng tanghali sa Barangay Victoria Reyes sa bayang ito.
Ang biktimang nawasak ang dibdib sanhi ng maraming saksak na tinamo ay nakilalang si Benancio Buena, 54, vendor at residente ng Barangay Victoria Reyes ng bayang nabanggit.
Samantalang mabilis namang tumakas matapos ang isinagawang krimen ang suspect na nakilalang si Roberto Cabacaba. Batay sa isinagawang salaysay ni Mrs. Teresita Buena, maybahay ng biktima na dakong alas- 12:50 ng tanghali kamakalawa nang makarinig siya nang pagkakagulo sa labas ng kanilang bahay.
Nang kanyang puntahan ay nakita niya ang paulit-ulit na pagsaksak ng suspect sa kanyang mister gamit pa ang matalas na pangkatay ng baboy. Bagamat nagmamakaawa na siya dito ay hindi pa rin tinigilan ang pagsaksak sa kanyang asawa hanggang sa matiyak na lamang na ito ay wala nang buhay at saka lamang ito nilubayan.
Binanggit pa sa ulat na dalawang araw bago naganap ang krimen ay nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at suspect tungkol umano sa basura. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspect. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest