^

Probinsiya

Ex-boxer na hindi kaya sa suntukan, pinatay sa saksak

-
ANTIPOLO CITY– Dahil sa umano’y hindi kaya sa mano-manong suntukan ng isang 26 anyos na lalaki ang isang ex-boxer kaya’t gumamit ito ng patalim at napatay nito sa saksak ang huli kamakalawa ng gabi sa lunsod na ito.

Namatay habang dinadala sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Samuel Tamayo, 31, ng Purok 2, Francisville Subd. Bgy. Mambugan.

Samantala kinasuhan naman ng homicide ang nakatakas na suspek na nakilalang si Espedito Billiocog, 26, ng Purok Maligaya, Bgy. Mambugan.

Nabatid na dakong alas 7:00 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang biktima,suspek at ilan pang mga kasama.Dahil sa mga lasing na ay nagkaroon nang mainit na diskusyon ukol sa politika.

Nag-umpisang magtalo ang dalawa hanggang sa hamunin ng suntukan ng suspek ang biktima kahit batid na ito ay isang ex-boxer.

Hindi man lang nakatama ang suspek sa biktima hanggang sila ay awatin ng kanilang kasama sa inuman.

Umuwi ang suspek sa kanilang bahay at kumuha ng patalim pagkatapos ay binalikan ang biktima at pa-traydor na sinaksak sa likod. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BGY

DAHIL

DANILO GARCIA

ESPEDITO BILLIOCOG

FRANCISVILLE SUBD

MAMBUGAN

NABATID

PUROK MALIGAYA

SAMUEL TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with