^

Probinsiya

Bunganga ng Mayon, nag-aapoy na — Phivolcs

-
Unti-unti nang nagliliwanag ang bunganga ng bulkang Mayon sa Albay, batay sa latest monitoring ng Phivolcs sa nasabing bulkan.

Sinabi ni July Sabit, volcanologist ng Phivolcs, ang pagkakaroon ng crater glow sa bulkan ay nangangahulugan lamang na tumataas na ang magma malapit sa bunganga nito.

Ang nabanggit na kondisyon ng bulkan, ayon pa kay Sabit ay nagpapakita na lubhang malapit na itong sumabog.

Nagpatindi pa anya ng mabilis na pag-akyat ng magma sa bunganga ng bulkan ay ang pag-uulan na nararanasan sa kasalukuyan sa paligid ng Mayon. "May epekto talaga ang pag-uulan sa aktibong bulkan, tulad ng Mayon. Parang kawali iyan na mainit na mainit tapos saka mo bubuhusan ng tubig, di ba matindi ang reaction sa ganon? Tulad ng bulkan, mainit na mainit yan, tapos mababasa dahil sa ulan, ang sudden reaction niyan, malamang maagang sumabog," pahayag pa ni Sabit. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALBAY

ANGIE

BULKAN

CRUZ

JULY SABIT

MAYON

NAGPATINDI

PHIVOLCS

SABIT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with