^

Probinsiya

Pag-upo ni GMA pinagtalunan: Kuya patay kay utol

-
CANDELARIA, Quezon – Dahilan sa mainitang pagtatalo patungkol sa pagkakaupo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinaksak hanggang sa mapatay ng isang 21-anyos na obrero ang kanyang kuya habang sila ay nag-iinuman sa Brgy. Masin Norte sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ricardo Peni, 28, samantalang tumakas naman matapos ang isinagawang krimen ang suspect na kapatid ng nasawi na nakilalang si Rodante Peni.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon nina SPO2 Danilo de Guzman at SPO1 Tirso Acleta, dakong alas-8:30 ng gabi ay nag-iinuman ang magkapatid kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Nang malasing ay pinagtalunan ng magkapatid ang tungkol sa pagkakaupo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo . Iginiit umano ng matandang Peni na may batayan si Arroyo sa pagkakaupo, gayunman mahigpit itong kinontra ng suspect.

Lalong uminit ang pagtatalo ng dalawa na nagpalitan ng kanya-kanyang paliwanag hanggang sa mapikon ang suspect at binunot ang dalang patalim sa bulsa at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kanyang kuya at pagdaka’y mabilis na tumakas. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHILAN

DANILO

MASIN NORTE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RICARDO PENI

RODANTE PENI

TIRSO ACLETA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with