Mag-aamang Revilla may hidwaan
January 20, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Pinaniniwalaang magkakaroon ng hidwaan ang mag-aamang sina Senador Ramon Revilla Sr. at mga anak nitong sina Cavite Gov. Ramon Bong Revilla Jr., Marlon Bautista at 1st District Board Member Edwin Strike Revilla dahil sa magkakaibang desisyon ukol sa naudlot na impeachment trial.
Ito ay matapos na bumoto si Revilla Sr. ng no sa impeachment trial kasama ang 10 pang senador ay agad na naglunsad ang ibat ibang militanteng grupo ng protest rally sa EDSA Shrine.
Bigla namang dumating doon si Gov. Revilla na kontra naman sa ginawang desisyon ng kanyang ama.
Kasama rin nitong nagtungo sa EDSA sina Strike at Marlon.
Inaasahan naman ng kanilang mga kababayan na ito ay magiging dahilan para tumindi ang hidwaan sa pagitan ng mag-aama. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 44 minutes ago
By Cristina Timbang | 44 minutes ago
By Tony Sandoval | 44 minutes ago
Recommended