^

Probinsiya

Pumugang preso noong bagyong Senyang, nasakote

-
LUCENA CITY – Balik kulungan ang isang bilanggo sa Quezon Provincial Jail na tumakas noong nakaraang Nobyembre habang nananalasa ang bagyong Senyang matapos na ito ay masakote sa kanyang pinagtataguan sa Purok Bagong Sinag, barangay Cotta sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Federico Terte, chief of police sa lungsod na ito ang nadakip na preso na si Bernardo Umali, 32, may-asawa at may kasong Homicide.

Si Umali ay pangatlo pa lamang sa 15 mga preso sa Quezon Provincial Jail na pawang mga nahaharap sa mabibigat na kaso ang muling nadakip habang ang labindalawang iba pa na kinabibilangan ng suspect sa Sariaya massacre na si Edwin Medrano ay patuloy pang tinutugis.

Sinasabi sa ulat ng pulisya na isinagawa ang pagdakip kay Umali ng dakong alas-3:00 ng madaling araw habang ito ay natutulog sa bahay ng isang Celso Ruz na ginagawa niyang hide-out.

Dahil sa impormasyon ng mga naninirahan sa naturang lugar kaya’t madaling natuntun ng mga awtoridad ang pinagtataguan ni Umali. (Ulat ni Tony Sandoval)

BALIK

BERNARDO UMALI

CELSO RUZ

EDWIN MEDRANO

FEDERICO TERTE

PUROK BAGONG SINAG

QUEZON PROVINCIAL JAIL

SI UMALI

TONY SANDOVAL

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with