^

Probinsiya

Pampasaherong bus sinunog ng NPA rebels

-
Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng NPA makaraang sunugin ng mga ito ang isang pampasaherong bus sa Del Gallego, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-12: 30 ng hatinggabi ng harangin ng 25 armadong kalalakihan ang Superlines passenger bus na minamaneho ni Angel Omides. Nabatid na kasalukuyang binabagtas ng Superlines bus ang kahabaan ng Barangay Pinagdian sa naturang bayan nang harangin ito ng mga rebeldeng nakasuot ng camouflage uniform.

Matapos na mapahinto ang naturang bus, pinababa ng mga rebelde ang mga pasahero, gayundin ang bus driver at konduktor at pagkatapos ay binuhusan ng gasolina ang bus at saka sinindihan.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa hinihinging revolutionary tax ng mga rebelde ang motibo sa isinagawang panununog.

Mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde matapos ang ginawang panununog. (Ulat nina Ed Casulla at Francis Elevado)

ANGEL OMIDES

AYON

BARANGAY PINAGDIAN

BUS

CAMARINES SUR

DEL GALLEGO

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

SUPERLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with