Kanya-kanya muna sa basura - DENR
January 5, 2001 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Environment Secretary Antonio Cerilles na bahala na muna ang mga lokal na pamahalaan partikular ang mga nasa Metro Manila na kanya-kanyang pangasiwaan ang kanilang mga basura.
Ito ayon pa kay Cerilles ay dahil sa may problema pa sa Semirara island sa Antique kayat hindi pa ito maaaring pagtapunan ng basura.
Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Cerilles na dapat sundin ng mga local government units ang integrated solid waste program ng pamahalaan upang hindi naman umalingasaw ang kanilang mga lugar sa amoy ng basura.
Aniya, maraming bilang ng mga taga-Antique ang patuloy na tumututol na gawing bagsakan ng basura ng mga taga-Metro Manila ang kanilang lugar.
Gayundin, nagmamaktol din umano ang mga taga-Boracay dahil sila ang isa sa maaapektuhan ng katas ng basurang ito kung sa Antique itatapon.
Binanggit ni Cerilles na wala pa ring Environmental Clearance Certificate (ECC) ang Semirara Island upang mapag-aralan ng DENR kung ang lugar na ito ay maaaring maging bagsakan ng basura.
Dahil sa ganitong problema, iginiit ni Cerilles sa mga local chief executives na pansamantalang pangasiwaan muna ang basura sa kani-kanilang mga lugar. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest