11-anyos nabaril ng 12-anyos na kaibigan
January 5, 2001 | 12:00am
BACOLOD CITY Matatanggap ko ang anumang parusang ipapataw sa akin, mabuhay lamang ang aking kaibigan.
Ito ang naiiyak na pahayag ng 12-anyos na si Janno Mahinay, ng Talisay City matapos umanong aksidenteng mabaril at mapatay ang kanyang kalaro at kaibigan na si Felix Ramilo Quenquero, 11.
Si Quenquero ay nagtamo ng isang tama ng bala buhat sa isang .38 caliber homemade revolver na sinasabing pag-aari ng ama ni Mahinay.
Base sa ulat ng pulisya, si Quenquero at Mahinay, kapwa grade 5 pupil, kasama ang lima pa nilang kaibigan ay masayang naglalaro ng toy guns sa compound ng pamilya Mahinay.
Isa sa mga kalaro ang nagtanong sa batang Mahinay kung nasaan ang baril ng kanyang tatay, kaya agad na nagtungo sa kanilang kuwarto at hinanap ito.
Habang hinahanap ang baril ay aksidente itong pumutok, dahilan upang magtakbuhan ang mga bata, gayunman tinamaan na sa dibdib si Quenquero.
Ang batang si Mahinay ay pansamantalang inilagak sa kustodya ni SPO3 Delia Valencia ng Talisay Police Childrens and Womens Desk.
Nabigo naman si Ramiro Mahinay, ama ni Janno na maipakita ang gun permit. (Ulat ni Antonieta Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest