^

Probinsiya

DENR officer sa Cavite kinasuhan sa pamemeke ng titulo

-
Ipinag-utos kahapon ni Environment Secretary Antonio Cerilles na sampahan ng kasong kriminal ang DENR officer sa Cavite na umano’y utak sa pamemeke ng mga titulo ng lupa sa naturang lalawigan.

Ang kautusan ay ginawa ni Cerilles matapos mapatunayan ang modus operandi ng akusadong si Benjamin Aukay, Record Land Officer ng DENR sa Luciano Trece Martires sa nabanggit na lalawigan. Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din si Aukay sa kasong administratibo na isasampa naman sa tanggapan ng Ombudsman.

Napatunayan ng Task Force on Anti- Fake and Illegal Titles na minamani-obra ni Aukay sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa iba pang tiwaling empleyado sa Land Management Sector ng DENR sa lalawigan na pekehen ang ilang dokumento ng lupa sa Cavite.

Sa kanyang panig itinanggi naman ni Aukay ang alegasyon laban sa kanya subalit nabuko din ang modus operandi nito nang matagpuan sa kanyang tanggapan ang ilang mga titulo ng lupa ng ilang indibidwal na matagal nang sinasabing nawawala. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AUKAY

BENJAMIN AUKAY

CAVITE

ENVIRONMENT SECRETARY ANTONIO CERILLES

FAKE AND ILLEGAL TITLES

LAND MANAGEMENT SECTOR

LUCIANO TRECE MARTIRES

RECORD LAND OFFICER

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with