Presinto ng pulis nilusob ng NPA
December 4, 2000 | 12:00am
SORSOGON, SORSOGON Nilusob ng sampung miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang Police sub-station na nakabase sa Barangay Bibingcahan at disarmahan ang dalawang pulis na nakatalaga dito kamakalawa ng gabi sa bayan na ito.
Kinilala ang dalawang pulis na dinisarmahan na sina SPO4 Catalino Bolaños at SPO1 Rolando Valino pawang nakatalaga sa Police Sub-Station 5 ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6:15 ng gabi habang ang dalawang biktima ay naka-duty sa naturang sub-station kasama ang ilang barangay tanod.
Sakay sa isang L-200 pick-up ang sampung kabataang rebelde na pawang armado ng M-16 armalite rifle, kal .45 at kal .9mm na pistola ng bigla na lamang na dumating sa naturang sub-station.
Dahil sa pagkabigla ng dalawang pulis at mga barangay tanod ay hindi na nagawang manlaban pa dahil pinaikutan ng mga rebelde ang sub-station.
Napag-alaman na hindi magawang makahingi ng tulong ang mga pulis dahil maging ang telepono at iba pang komunikasyon ay pinutol ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest