^

Probinsiya

Broadcaster na may ulcer, nagbigti

-
GENERAL SANTOS CITY – Isang kilalang komentarista sa radyo at local chapter president ng Kapisanan ng Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ng siyudad ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang isang nylon cord kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Superintendent Manuel Raval, Central Mindanao PNP director ang nasawing radioman na si Cezar Palaca Lagare, Station Manager ng RPN-DXDX at presidente ng KBP Gensan, residente ng Purok San Vicente, Brgy. Lagao, General Santos City at isang Purok chairman sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon ng matagpuan ng mga residente sa nabanggit na lugar ang biktima na nakabitin sa isang punong kahoy malapit lamang sa kanyang tinitirhang bahay.

Sa salaysay ng mga kamag-anakan, ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay di na umano makayanan nito ang sakit na acute ulcer. Mula ng lumabas sa ospital ang biktima ay palagi na lamang itong iritable at palaging inirereklamo ang kanyang dinaranas na sakit.

Madaling araw noong Nobyembre 1 ng taong ito ay inutusan nito ang kanyang pamangkin na bumili ng gamot dahil sumasakit na naman umano ang kanyang sikmura pagkatapos inumin ang nasabing gamot ay lumabas ito ng bahay at pumasok sa trabaho.

Dakong tanghali ay bumalik ito sa kanyang bahay at nanood pa ng telebisyon at pagkatapos ng panonood ay lumabas naman ito ng bahay at dakong hapon ay nakita na lamang na nakabitin na ito sa isang punong kahoy at wala ng buhay. (Ulat ni Teng Garcia)

vuukle comment

AYON

BRGY

BRODKASTER

CENTRAL MINDANAO

CEZAR PALACA LAGARE

CHIEF SUPERINTENDENT MANUEL RAVAL

GENERAL SANTOS CITY

PUROK SAN VICENTE

STATION MANAGER

TENG GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with