^

Probinsiya

2 DPWH opisyal na dinukot, pinalaya na

-
GENERAL SANTOS CITY – Pagkaraan ng mahigit isa’t kalahating buwan sa piling ng mga abductors, dalawang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Sultan Kudarat na dinukot ang pinakawalan ng mga kidnappers kamakalawa ng madaling araw.

Iprinisinta ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu, tumayong negosyador sa dalawang kidnap na sina Engr. Edwin Morales at Engr. Winifredo Bamboa, residente ng Isulan, Sultan Kudarat at kawani ng DPWH-Sultan Kudarat na nadestino sa bayan ng Polembang, ng lalawigan.

Pinakawalan at iniwan ang dalawang bihag dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa boundary ng Maitum, Polembang ng kanilang mga abductors.

Nilinaw ni Mangudadatu na hindi mga kidnap for ransom group ang dumukot sa dalawang engineer, kundi grupo ng mga trabahador na hindi nabigyan ng sahod sa kanilang serbisyo mula 1997 sa isang proyekto na nahinto dahil sa kakapusan ng pondo ng gobyerno. (Ulat ni Teng Garcia)

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDWIN MORALES

IPRINISINTA

ISULAN

MAITUM

MANGUDADATU

POLEMBANG

SULTAN KUDARAT

SULTAN KUDARAT GOVERNOR PAX MANGUDADATU

TENG GARCIA

WINIFREDO BAMBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with