Okay ang peace talks - OIC special mission
October 18, 2000 | 12:00am
Kumbinsido ang mga miyembro ng special mission ng Organization of Islamic Conference (OIC) na tapat ang layon ng Pangulong Joseph Estrada na maisulong ang kaunlaran sa Mindanao alinsunod sa kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan ng pamahalaan at ng MNLF noong 1996.
Ang misyon na pinamumunuan ni Indonesian Foreign Minister Alwi Shihab ay narito ngayon sa bansa para alamin kung ano nang progreso ang naisakatuparan ng gobyerno para sa kapakanan ng Timog Pilipinas.
Sa pagbibigay galang ng grupo sa Pangulong Estrada sa Malakanyang, sinabi ni Shihab na nasiyahan sila at nabigyan ng inspirasyon sa briefing ng mga opisyal hinggil sa implementasyon ng 1996 peace agreement sa MNLF.
Ayon kay Shihab, nagalak siya sa sinabi ng Pangulo na ang pamahalaan ay naghahangad nang pangmatagalang panahong kapayapaan sa Mindanao. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended