^

Police Metro

West Philippine Sea mananatiling atin! - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
West Philippine Sea mananatiling atin! - Marcos
Philippine President Ferdinand Marcos delivers the annual State of the Nation Address at the House of Representatives in Manila on July 22, 2024.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — “Ang West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas.”

Ito ang iginiit ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa kahapon.

Sinabi ng pangulo na sa gitna ng mga kinakaharap na territorial sovereignty, ay patuloy na iginigiit ng gobyerno ang karapatan at interes  ng bansa.

Sa pamamagitan aniya ng diplomatic channels at mekanismo sa ilalim ng rules-based international order ay nanati­ling tanging katanggaptanggap na paraan para matapos ang mga hindi pagkakaunawaan.

Patuloy rin aniya ang pamahalaan sa paghanap ng paraan para mabawasan ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo na hindi nakokompromiso ang kanyang posisyon at prinsipyo.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with