^

Police Metro

Misis todas, mister kritikal sa saksak ng inarkilang driver

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

P2-M tinangay…

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 34-anyos na misis habang malubhang nasugatan ang kanyang mister matapos na sila ay ataduhin nang saksak ng kanilang inarkilang driver sa loob ng kotse sa kahabaan ng Governors Drive, Barangay Sabang, Naic, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Czarri Marie Cantuba, na nagtamo ng saksak sa leeg habang ang mister na si Marlon, 35, ay nagtamo ng saksak sa ulo at inoobserbahan sa ospital.

Ang mag-asawa ay residente ng Sitio 1, Brgy. Gulap, Candaba, Pampanga.

Tumakas naman ang inarkilang driver na si Jomar Tambo,43,ng Malate, Maynila at tina­ngay ang P2 milyon pera ng mag-asawa na puhunan sa pagbili ng frozen meat.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:00 ng madaling araw bumiyahe ang mag-asawa pa Cavite mula Pampanga gamit ang kanilang sasakyan na minamaneho ng suspek na inupahan nila bilang driver.

May kausap umano ang mga ito na isang kompanya na kukuhanan ng mga frozen meat sa may Cavite Technopark kung saan ang suspek din ang nag-alok at nakipag negosasyon sa mag-asawa.

Habang bumabaybay Governors Drive ay bigla umanong huminto ang suspek at itinabi ang sasakyan.

Kinausap ng suspek si Marlon na kung pwede ay ito muna ang magmaneho dahil sa inaantok umano siya.

Hindi pa man nakakakilos si Marlon ay agad na itong inunda­yan ng suspek ng saksak sa ulo at tinutukan ng patalim si Czarri at sapilitang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang P2 milyong piso.

Nang ibigay ng babae ang bag ay inundayan ito ng saksak sa leeg bago mabilis na tumakas gamit ang sasakyan ng mag-asawa.

Bagama’t sugatan ay nakahingi ng tulong si Marlon sa isang barangay mobile unit na nagsagawa ng patrulya sa lugar at agad na isinugod ang mag-asawa sa ospital na kung saan ay hindi na umabot ng buhay ang babae.

Pagnanakaw ang tinitingnan ng pulisya ang motibo sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with