^

Police Metro

Pulis na pinabili ng napkin, natakasan ng presong babae

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa “hot water” ang isang pulis matapos na siya ay matakasan ng kanyang presong babae na nag-utos sa kanya na bumili ng napkin.

Isinailailim sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) si PCpl. Aaron Balbaboco Balajadia, 36, nakatalaga sa Batasan Police Station (PS-6), QCPD bilang Mobile Patroller matapos na mawala na parang bula ang wanted na si Mary Rose Parenas na nahuli ng QCPD Police Station 6.

Batay imbestigasyon, dinala ni Balajadia si Parenas sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, IBP Road, Brgy. Batasan, Quezon City, alas-3:50 ng madaling araw nitong Sabado dahil sa iniindang pananakit ng tiyan at hirap sa paghinga.

Habang nasa ospital, nakiusap si Parenas sa pulis na ibili siya ng sanitary napkin sa kalapit na tindahan.

Subalit, sa pagbalik ng pulis sa ospital ay nawawala na si Parenas.

Sinikap hanapin ni Balajadia si Parenas, subalit nabigo ito kaya naman inaresto siya ng kanyang mga kabaro at kakasuhan ng paglabag sa Article 224 (Evasion through negligence) ng RPC.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with