^

Police Metro

Utol ni Alice na si Wesley Guo, tugis na rin ng Indonesian authorities

Mer Layson - Pang-masa
Utol ni Alice na si Wesley Guo, tugis na rin ng Indonesian authorities
Composite photo shows dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo before (left photo) and after her arrest (right photo).
The STAR / Jesse Bustos and Bureau of Immigration

MANILA, Philippines — Pinaghahanap na rin ng Indonesian authorities si Wesley Guo, kapatid nang naarestong si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, upang kaagad na ring maibalik sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval,nangako ang Indonesian police na matapos nilang maaresto si Guo ay tututukan naman nila ang paghuli kay Wesley.

“They pledged na ito ay matapos at maibalik itong si Mayor Alice Guo even ‘yung…kapatid niyang lalaki…si Wesley, ‘yun ay kasama rin sa mga mino-monitor nila at gusto rin nilang maibalik agad,” pahayag pa ni Sandoval, sa panayam sa isang programa sa telebisyon.

Nagpasalamat din naman si Sandoval sa kanilang Indonesian counterparts dahil naging napakalaking tulong aniya ng mga ito at patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanila kaugnay sa isyu.

Matatandaang una nang naaresto ng Indonesian Police nitong Miyerkules ng madaling araw si Guo sa Tangerang City sa Indonesia at nakatakda nang ipabalik sa bansa upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Una na rin namang dinakip sa Indonesia at naibalik sa bansa ang kanilang kapatid na si Shiela Guo at si Cassandra Li Ong, na authorized representative ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinalakay sa Porac, Pampanga.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with