^

Police Metro

Higit 300 mahihirap ng Davao City nabigyan ng ayuda

Joy Cantos - Pang-masa
Higit 300 mahihirap ng Davao City nabigyan ng ayuda
Residents of Barangay San Nicolas in Binondo, Manila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Abut-abot ang saya ng higit sa 300 na manga­ngalakal, street dwellers, sidewalk vendor, at mga persons with disability (PWD) ng Davao City nang maabutan ng ayuda sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng pamahalaan.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang humarap sa grupo kasabay ang pangakong “sabay-sabay tayong babangon muli”.

“Ito naman talaga ang dahilan kung bakit may Bagong Pilipinas Serbisyo Fair tayo, para lahat maabutan ng tulong,” ani Speaker Romuladez.

Labis ang pasasalamat ni Maryjean Montecino, 29-anyos, maybahay ng isang mangangalakal at sinabi na malaki ang matutulong nito sa tulad niyang mahirap at humiling na magpatuloy ang programa ni BBM at Romualdez.

Ayon naman kay Elmer Disipulo, 53 ng Barangay 8-A, Davao City at tinamaan ng stroke na first time na makatanggap ng ganitong ayuda at laking pasasalamat nito kay Speaker Romualdez at Pangulong Marcos.

Para naman kay Ronnie Redondo, 44-anyos ng Barangay Matina, pandagdag sa kanyang negosyo na kwek-kwek sa bangketa ang pera na natanggap mula sa gob­yerno.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with