Pinoy seaman hulog sa barko
MANILA, Philippines — Naglunsad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng malawakang search and rescue operation para hanapin ang Pinoy seafarer na pinaniniwalaang nahulog mula sa isang Singaporean bulk carrier habang bumibiyahe sa katubigan ng Zamboanga City.
Sa statement kahapon, kinilala ng PCG ang nawawalang seafarer na si Aguaviva Gel Jutba, 44, crew ng Singaporean-flagged vessel “RTM Zheng He”.
Huli umanong nakita si Jutba sa port side main deck ng barko bandang alas-11:25 ng umaga noong Disyembre 26 habang binabaybay ng sasakyan ang 111 nautical miles hilagang-kanluran sa Zamboanga City Pier.
Nagmula ang barko sa China at papunta sa Australia nang mangyari ang insidente.
- Latest