Rockfall: 2-anyos na bata, dedo
MANILA, Philippines — Isang 2-anyos na batang babae ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan nang mabagsakan ng bato ang kanilang mga bahay sa naganap na rockfall sa Sitio Mahaba, Brgy. Basiao, Catbalogan City, Samar.
Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang nasawing batang babae ay nasapol sa pagbagsak ng bato mula sa bundok na tumama sa mga kabahayan sa kanilang pamayanan sa nasabing lugar.
Kabilang naman sa nasugatan ay isang 3 buwang sanggol na babae, isang 35-anyos na lalaki at isang 30- anyos na babae.
Batay sa report, nakarinig ang mga residente ng malakas na dagundong at kasunod nito ay gumuho ang mga bato mula sa bundok, ala-1:03 ng hapon na tumama sa mga bahay ng 2 pamilya sa nasabing lugar.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang rockslide ay sanhi ng ilang araw na malalakas na pag-ulan sa naturang barangay.
- Latest