^

Police Metro

Misis inatado ng taga ng kapitbahay, todas

Cristina Timbang - Pang-masa
Misis inatado ng taga ng kapitbahay, todas
Ang biktima na iniwang bangkay sa gilid ng kalsada ay kinilala ng pulisya na si Rosalie Cantillos, 47-anyos, may-asawa, residente ng nasabing barangay.
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 47-anyos na ginang matapos pagtatagain ng lalaking kapitbahay na nag-aabang sa kanyang pag-uwi kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Kayquit 1, Indang, Cavite.

Ang biktima na iniwang bangkay sa gilid ng kalsada ay kinilala ng pulisya na si Rosalie Cantillos, 47-anyos, may-asawa, residente ng nasabing barangay.

Habang agad na naaresto sa follow-up operation ang suspek na kapitbahay na si alyas Willy, 40, magsasaka.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa bahay nang harangin ng suspek.

Dito ay tinanong umano ng biktima ang problema nito kung bakit siya hinaharang sa kanyang dinaraanan na nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa.

Sa gitna nang pagtatalo ay binunot ng suspek ang dalang jungle bolo at walang kaabug-abog na pinagtataga ang biktima hanggang sa humandusay sa kalsada at masawi.

Inaalam pa ng pulisya ang pinag-awayan ng dalawa na nauwi sa malagim na krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with