^

Police Metro

Brainchild pasikat sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasikat ang third choice favorite na Brainchild matapos nitong manalo sa 2024 PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Sinakyan ni jockey MR Ellos, ipinuwesto nito ang Brainchild sa pangatlo upang panoorin ang nagbabanatan sa unahan na Little Ms. Saturday at Blue Label.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay nasa anim na kabayo pa ang agwat na hinahabol ng Brainchild sa matutulin sa largahan na Blue Label at liyamadong Little Ms. Saturday.

Pero pagsapit ng far turn ay naagaw na ng Little Ms. Saturday ang bandera at lamang na ito sa Blue Label ng isang kabayo habang dumidikit na ang Brainchild.

Naging mainit ang aksyon sa huling kurbada kung saan ay pakapit na sa unahan ang winning horse kaya bakbakang umaatikabo ang nasilayan ng mga karerista sa rektahan.

Nagkapanabayan na sa unahan ang Little Ms. Saturday at Brainchild sa huling 150 metro ng karera, lalong lumakas ang hiyawan ng mga karerista ng lalampas ang huli sa una.

Lumampas ang Brainchild sa huling 75 metro ng labanan at tinawid nito ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang Little Ms. Saturday.

Nilista ng Brainchild ang tiyempong 1:31.8 minuto sa 1,400 meter race.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with