^

Police Metro

Pagbebenta ng vapes online, bawal na - DTI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinatigil na ng Department of Trade (DTI) ang pagbebenta ng vape o iba pang vape products at devices online.

Sa layuning protektahan ang kabataan at bigyang prayoridad ang kalusugan ng publiko, ­nilagdaan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual nitong Sabado ang Department Administrative Order (DAO) No. 24-03, Series of 2023, na agarang nagsususpinde sa pagbebenta ng vapor products, vapor product device, at vapor product system sa mga marketplace.

Kasunod ito ng “Kapihan” sa pakikipagdayalogo na sinimulan ng DTI kasama ang mga high-level stakeholders sa industriya kabilang ang mga manufacturer, importer at distributor na pinangunahan ni DTI Secretary Pascual.

Binigyang-diin ni Pascual ang pangangailangan para sa “matatag na sistema ng pagsubaybay upang pangasiwaan ang paggalaw ng mga produkto mula sa mga importer hanggang sa mga retailer.”  Ikalawa, ay upang ma­ging responsable ang mga manufacturer at importer para sa mga ilegal o depektibong produkto, hindi lamang sa mga retailer, at ang pagtiyak na ang mga distributor ay turuan ang mga retailer sa mga limitasyon at paghihigpit ng batas upang matiyak ang compliance.

Ang desisyon ng DTI ay nakaangkla sa mga probisyon ng Republic Act (RA) 11900, na kilala rin bilang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act. Ang batas na ito ay nag-uutos ng mga hakbang upang pigilan ang mga menor-de-edad na ma-access ang vape products, lalo na sa pamamagitan ng mga online na channel.

“We want businesses to thrive, but it must be in line with the law,” giit ni Pascual.

“Let’s not profit from selling to minors. As long as you comply, we will support you. However, you must prove that you are preventing minors from buying these illegal pro­ducts,” paliwanag nito.

Ang Task Force Kalasag ng DTI ay gumawa ng makabuluhang hakbang sa pag-regulate sa industriya ng vape, na nagresulta sa pagpapalabas ng 78 notice of violation at pagkumpiska ng 64,359 violative vape products na nagkakahalaga ng P29,487,100.00 simula nang itatag noong Abril.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with