^

Police Metro

Coed ni-rape ng lalaking nakilala sa dating app

Ludy Bermudo - Pang-masa

Kinokotongan pa…

MANILA, Philippines — Isang lalaking call center agent ang inaresto ng mga otoridad matapos umanong gahasain at kikilan ang isang babaeng estudyante na nakilala nito sa dating app sa Para­ñaque City, kahapon ng madaling-araw.

Ikinasa ang entrapment operation, ala-1:30 ng madaling araw malapit sa bahay ng suspek na si alyas Edward, 25 sa pagpapanggap ng biktima na makikipagkita dito.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nakaantabay ang mga operatiba na may gamit na alternative recording device, na nag-record ng mga pangyayari at nang paglapit ng una sa biktima ay dito na siya inaresto, kung saan pumalag pa ito nang dakpin ng mga operatiba.

Pinuntahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) para makita ang pagkakadakip sa suspek.

“Nagsumbong sa akin at sa pulis ang magulang ng isang bata, na itong batang ito ay nag-dating app at pagkatapos sa da­ting app, doon na lumabas ng hinihingan na ng mga litrato, tapos doon nakipagkita, ginahasa, tapos hinihingan pa ng pera”, wika ni Abalos.

Dahil ito sa kaniya umanong pananakot sa biktima na ipakakalat ang mga maseselang larawan nito kapag hindi nagpadala ng pera.

Lumabas sa imbestigasyon na Sabado lang nang magkakilala ang 25-anyos na suspek at ang 19-anyos na biktima.

Kinabukasan, may nangyari na umano sa dalawa at nakapagpadala na ng kaniyang masese­lang larawan ang biktima sa suspek.

Pagkaraan ng ­ilang araw, nagsimula na umanong manghingi ng pera ang suspek sa biktima. Depensa ng suspek, walang pamimilit sa nangyari sa kanila ng biktima.

Nasa kustodiya na ng DSOU ng SPD ang suspek, na mahaharap sa reklamong robbery-extortion at patuloy din ang pagsasagawa ng case build-up para sa kasong rape na isasampa laban dito.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with