^

Police Metro

3 preso tumakas sa kulungan ng Taytay - PNP

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
3 preso tumakas sa kulungan ng Taytay - PNP
Kinilala ang mga tumakas na preso na sina Danny Cancino; Kurt Cavasal; at Ronald Barrera matapos wasakin ang bakal na harang sa may kusina na ang tagos ay ang fish port custodial facility sa Samagta floodway, Barangay San Juan, pasado alas-4:45 ng madaling araw.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong preso na nahaharap sa kasong illegal drugs ang tumakas sa police custodial facility sa Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga tumakas na preso na sina Danny Cancino; Kurt Cavasal; at Ronald Barrera matapos wasakin ang bakal na harang sa may kusina na ang tagos ay ang fish port custodial facility sa Samagta floodway, Barangay San Juan, pasado alas-4:45 ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, sinamantala ng mga preso ang masamang panahon dulot ng bagyong Enteng sa ginawang pagtakas.

Nadiskubre ng isang panggabing bantay ang insidente na agad niyang iniulat sa kanyang hepe.

Naglabas na ng tig-P10,000 pabuya sa sinumang makakapagtuturo sa kinaroroonan ng mga tumakas.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with