^

Police Metro

3 Chinese, 4 Pinoy arestado sa kidnapping

Ludy Bermudo - Pang-masa

3 babaeng dayuhan dinukot...

MANILA, Philippines — Dalawang babaeng Chinese at isang babaeng Vietna­mese ang dinukot ng tatlong Chinese at apat na Pinoy nang pasukin ang bahay sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City, kahapon ng mada­ling araw.

Agad naaresto ang mga suspek na sina alyas “Liu”, 39; “Weichun”, 35, kapwa residente ng Multinational Village; “Donbo”, 34 ng Pasay City; pawang  Chinese nationals; mga Pinoy na sina alyas “Jon-jon”, 45, driver, residente ng Multinational Village; “Jerico”, 29, ng Multinational Village; “Brian”, 33, dri­ver, ng Brgy. Moonwalk, Parañaque; at “Ruel”, 42, driver, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na ang pagtangay sa mga biktima ng mga suspek ay agad naisumbong ng mga kasamahan na sina alyas “Kelly”; alyas “Tong-tong”, babae at Chinese descent din at isang Vietnamese na si alyas “Xu”.

Sa ulat, alas-4:00 ng madaling araw ng Setyembre 2, 2024 nang maganap ang krimen sa mismong bahay ng negosyante sa loob ng nasabing village.

Sa imbestigasyon, nabigla ang mga biktima sa pagpasok ng mga kalalakihan sa kanilang bahay at agad na pinuntiryang sirain ang nakakabit na CCTV.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ni Kevin at ng kasambahay bago isinakay ang mga babaeng biktima sa isang Toyota Alphard na puti at tumakas.

Inireport sa Don Bosco Police Sub Station ang insidente ng driver na si alyas “Kevin” ang pangyayari.

Sa isinagawang backtracking, natunton ang mga suspek na positibong itinuro ni Kevin na res­ponsable sa pagdukot sa mga biktima.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with