^

Police Metro

2 babaeng sakay ng motor, todas sa bangga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang dalawang babaeng magkaangkas sa isang motorsiklo nang bumangga sa center island sa Sampaloc, Maynila. kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Reana Antoinette Tomas, 23, ng San Antonio, Para­ñaque City at Ana Mae Adlaon, ng Misamis Oriental.

Sa inisyal na report ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Lacson Avenue, pababa sa Nagtahan bridge, kanto ng G. Tuazon St. sa Sampaloc.

Minamaneho ni Tomas ang motorsiklo, angkas si Adlaon at pagsapit sa pababang bahagi ng Nagtahan bridge ay bigla na lang siyang nawalan ng kontrol sa behikulo.

Dahil dito, bumangga ang motorsiklo sa center island na nagresulta sa pagtilapon nila at pagbagsak sa sementadong kalsada.

Mabilis nakares­ponde ang mga tauhan ng Triple D Philippine Eagle ngunit patay na ang mga biktima nang kanilang datnan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with