^

Police Metro

Pulis inaresto sa pambubugbog sa nobya

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang inaresto at ikinulong matapos ireklamo ng kanyang nobya nang pambubugbog nitong Lunes ng gabi sa Barangay Rosario, Gumaca, Que­zon.

Kinilala ang pulis sa alyas Edward, 37, nakatalaga sa Buenavista municipal station.

Lumilitaw sa report, alas-10:30 ng gabi ay nasa bahay ng pulis na suspek na noon ay nakainom ang kanyang  nobya na si “MJ”, isang promodizer, ng Brgy. Progreso, Gumaca nang magkaroon sila ng pagtatalo sa hindi pa nabanggit na kadahilanan.

Sa kasagsagan ng pagsasagutan ay pinagsusuntok ng pulis sa ulo ang kasintahan na nagtamo ng mga pasa at bukol.

Agad na nagpasaklolo ang biktima sa barangay at pulis na ipinaaresto sa mga kabaro nito.

Nahaharap ang pulis sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Physical Abuse.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with