^

Police Metro

4 barkong pandigma ng China naispatan sa Palawan

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umaa­ligid sa Balabac Strait sa lalawigan ng Palawan ang apat na warship ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.

Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad base sa pinakahuling monitoring sa mga aktibidad ng China sa teritoryong nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) sa katubigan ng bansa.

Sinabi ni Trinidad na ang apat na PLA warship vessels ay namonitor na naglalayag sa loob ng 12 nawtikal na milya sa Palawan noong Hunyo 19. Ito’y dalawang araw matapos ang pangha-harass ng Chinese Navy sa PH Navy personnel na nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RORE) mission sa tropa ng mga sundalo sa Ayungin Shoal sa WPS.

Ayon kay Trinidad, bandang ala-1:49 ng hapon nang unang mamonitor ang nasabing mga warship na kinabibilangan ng PLAN destroyer Luyang III (DDG-168) at ang frigate Jiangkai II (FFG-570) na naglalayag sa bilis na 13 knots na pawang patungo sa katimugang kanluran ng WPS.

Samantala, ang dalawa pang barko na isang destroyer Renhai (CG-105) at replenishment oiler Fuchi (AOR-907) ay sumunod namang namo­nitor bandang alas-3:56 ng hapon na kumikilos sa bilis na 15 knots na patungo rin sa direksiyon ng katimugang kanluran sa nasabing lugar.

Idinagdag pa ni Trinidad na ang kapabilidad na magmonitor ang magresponde para sa nasabing aktibidad ay testament sa commitment sa ‘maritime domain awareness’ upang protektahan ang ating teritoryo, soberanya at karapatan sa soberanya.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with