^

Police Metro

6 sakay ng tricycle todas sa trak

John Unson - Pang-masa
6 sakay ng tricycle todas sa trak
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang tricycle na galing umano sa isang beach resort at papauwi na nang masalpok sila ng truck sa isang bahagi ng Makar-Siguel Highway sa Purok Cabu, Barangay Tambler.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi na ang dalawa ay bata, habang lima ang nasugatan nang salpukin ang sinasakyan nilang tricycle ng Isuzu six-wheeler truck sa Barangay Tambler sa General Santos City, kama­kalawa ng hapon.

Sa ulat ng General Santos City Police Office, kinilala ang mga nasawi noon din ay sina Lathicia Jane Enan, 1-anyos; Jeremy Michael Culanan, 11-anyos; Rosilene Bigtasin Pajaro, 28-anyos; Marivic Enan, 28; tricycle driver na si Jay Cañedo, 32-anyos habang namatay sa ospital si Zowie Natalie Cañedo, 6-anyos.

Nasugatan naman sina Sphyc Raven Cañedo, 13-anyos; Kristen Joy Enan, 7-anyos; Chriespiar Cañedo, 8-anyos; at Mary Rose Pajaro Enan, 12-anyos.

Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang tricycle na galing umano sa isang beach resort at papauwi na nang masalpok sila ng truck sa isang bahagi ng Makar-Siguel Highway sa Purok Cabu, Barangay Tambler.

Hinala ng pulisya na posibleng nasa impluwensya ng alak ang driver ng tricycle na posibleng nawalan ng kontrol sa pagmamaneho kaya’t napunta sa kabilang linya ng kalsada at nabundol ng paparating na truck.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na nakatakdang kasuhan ng criminal.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with