^

Police Metro

4 sugatan; 2,734 katao apektado ng bagyong ‘Aghon’

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 sugatan; 2,734 katao apektado ng bagyong �Aghon�
Motorists experience gutter-deep flood along the roads of San Juan in Batangas due to the heavy rainfall brought by #AghonPH on May 26, 2024
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na apat katao ang nasugatan habang umaabot naman sa 513 pamilya o kabuuang 2,734 katao ang apektado ni Tropical Storm Aghon,

Gayunman, ayon kay NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Admi­nistrator Ariel Nepomuceno kasalukuyan pang inaalam kung ang apat na inisyal na naireport na nasugatan ay may kinalaman sa Tropical Storm Aghon.

Sa update ng NDRRMC, dakong alas-8:00 ng umaga ang mga apektadong indibidwal ay naninirahan sa 18 Barangays sa Bicol Region at Eastern Visayas na binabayo ng mga pag-ulan.

Nasa 34 pamilya o kabuuang 523 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 8 evacuation centers habang ang iba pa ay pansamantala namang nakituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.

Iniulat rin ng NDRRMC, nasa 5,969 pasahero kabilang ang 40 vessels, 10 motor bancas at 987 rolling cargoes ang stranded sa mga pantalan ng Regions 4-A (CALABARZON); 4 B (MIMAROPA) Bicol Region (5); Central Visayas ( Region 7) at Eastern Visayas (Region 8).

Samantala, nasa 21 kabahayan na ang naiulat na napinsala sa Eastern Visayas kung saan 17 dito ang bahagyang na­pinsala habang apat naman ang tuluyang nawasak sa hagupit ng masamang lagay ng panahon.

Inihayag kahapon ng PAGASA na walong beses tumama sa kalupaan ang bagyong Aghon (Ewiniar,ang international name) na may taglay na hanging nasa 75 kilometro bawat oras at bilis ng hanging nasa 125 km kada oras habang kumikilos sa hilagang kanluran sa may Eastern Visayas at Southern Luzon.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with