^

Police Metro

PNP chief iniutos ang crackdown vs pekeng yosi

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Gobyerno nawawalan ng P25 bilyong kita

MANILA, Philippines — Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Rommel Francisco  Marbil sa lahat ng  police units na paigtingin ang kanilang monitoring at kampanya laban sa mga peke at smuggle na siga­rilyo na nakakaapeto rin sa kabuhayan ng mga tobacco farmers, kalusugan ng publiko at pagkawala ng kita ng pamahalaan na umaabot sa P25 bilyon kada taon.

Aniya dapat na matigil ang panloloko at pananamantala ng mga mapang-abusong negosyante na nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa gayundin sa kalusugan ng  publiko.

Sinabi ni Marbil na mas paiigting ang  surveillance, mahigpit na pagbabantay sa mga borders at koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies.

Nabatid na ang kautusan  ni  Marbil ay kasunod ng  ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na  ang paglipana na mga peke at smuggled na siga­rilyo ay nagdulot ng ‘15.9 percent’ pagbaba sa kita ng pamahalaan noong 2023, na nagkakahalaga ng P25.5 bilyon lugi ng sumunod na taon.

Mula Enero hanggang Abril ngayon taon, iniulat ng BIR na P6.6 bilyon ang nalugi sa pamahalaan.

Nagkaroon din aniya ng police operations sa Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga City na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga peke at puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Napigilan ng mga pulis at Bureau of Customs (BoC) ang pagpasok ng mga kontrabando na malaking tulong sa kalusugan ng publiko.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with