^

Police Metro

P500 milyon para umayos suplay ng kuryente sa Albay inilaan ng solon

Joy Cantos - Pang-masa
P500 milyon para umayos suplay ng kuryente sa Albay inilaan ng solon
Workers cut burned wires and fix electrical meters in Parola Compound, Manila on April 25, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Upang mapaganda ang suplay ng kuryente sa Albay, isa sa mahalagang sangkap sa pag-angat ng lokal na ekonomiya ay naglaan ng P500 milyon si House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

“Our vision is to empower Albay by providing stable and efficient electricity supply,” sabi ni Co. “By improving our power infrastructure, hindi lang natin binibigyang solusyon ang issue ng brownout sa ­ating lalawigan. Bukod dito, nilalatag din natin ang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating ekonomiya.”

Ayon kay Co, makatutulong ang pagkakaroon ng maayos na suplay ng kuryente upang dumami ang negosyo sa probinsya na lilikha ng mapapasukang trabaho.

Sa P500 milyong inilaan, P300 milyon na ang naibigay sa National Electrification Administration at ang natitirang P200 milyon ay ilalabas na rin sa malapit na panahon. Gagamitin ang pondo upang tapusin ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente, mapalitan ang mga sirang recloser at mapalitan ang mga transformer.

Dalawang bagong power substation rin ang itatayo upang mapaganda ang kapasidad ng Albay Electric Cooperative upang maiwasan ang overloading at mapatatag ang suplay ng kuryente.

vuukle comment

ALBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with