^

Police Metro

1 todas, 2 sugatan sa pamamaril ng riders

Mer Layson - Pang-masa
1 todas, 2 sugatan sa pamamaril ng riders
Kinilala ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Alberto Duron habang sugatan naman sina Melchin Garcia, na ginagamot na sa Pasig City General Hospital at Reynante Judela na naka-confine sa Cainta Municipal Hospital.
Emmanuel Tupas

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan sa naganap na pamamaril ng mga riders sa Cainta, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Alberto Duron habang sugatan naman sina Melchin Garcia, na ginagamot na sa Pasig City General Hospital at Reynante Judela na naka-confine sa Cainta Municipal Hospital.

Inaalam pa naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin na tumakas sakay ng motorsiklo matapos ang krimen.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw nang maganap ang krimen sa Plaza St., Riverside, San Francisco Floodway, Brgy. San Juan, Cainta.

Kasalukuyan umanong nasa naturang lugar ang mga biktima nang bigla na lang dumating ang mga hindi kilalang salarin at kaagad silang pinagbabaril.

Nang tumimbuwang ang mga biktima ay mabilis nang nagsitakas ang mga salarin, lulan ng kanilang motorsiklo.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with