^

Police Metro

LTO binalaan ang mga motorista vs text scammer sa traffic violations

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagpapadala ng text messages na nagsasabing may traffic violations.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, hindi dapat patulan ang mga text messages dahil layunin lamang nito na nakawin ang mga impormasyon ng mga motorista.

Kabilang sa mga hinihingi ng scammers ang plate numbers, bank account at e-wallet information.

Laman ng mensahe ng mga scammers ang link na kapag na-click ay otomatikong mare-redirect sa bogus na LTO site at makukuha ang impormasyon.

“Do not ever type in the license plates of your motor vehicles and give other personal information about your bank or e-wallets accounts. Better yet, ignore all of them because they are certainly scams,” pahayag ni Mendoza.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang LTO sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan lalo na sa Philippine National Police at Department of Information and Communications Technology (DICT) para tugisin ang mga scammers.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with