^

Police Metro

POGO sa ‘Pinas pinapa-ban na ng China

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umayon na rin mismo ang pamahalaang China sa panawagan ng mga mambabatas na i-ban na ang mga POGOs (Offshore Gaming Operators) sa Pilipinas.

Ito ay kasunod sa apela ng Chinese Embassy sa pamahalaan na ipagbawal na ang mga POGOs sa Pilipinas dahil maraming Chinese nationals ang nahuhumaling sa gambling o pagsusugal.

Sa pahayag ng Chinese Embassy, nasa halos 3,000 Chinese citizens ang nasasangkot sa mga kriminalidad na may kinalaman sa POGOs kabilang ang telecom fraud simula pa noong 2018.

“We appeal to the Philippines to ban POGO at an early date so as to root out this social ill,” anang Chinese Embassy.

Ginawa ng Chinese Embassy ang apela sa gitna na rin ng serye ng mga raid sa mga POGO hubs kung saan maraming mga Chinese nationals ang nasakote. Sinasabing dahil sa pagkasilaw sa pera ng mga tiwaling opisyal ng gob­yerno ay nagpapatuloy ang operasyon nito sa Pilipinas.

Ang Offshore Gaming Operations ay mahigpit na ipinagbabawal sa China pero pinayagan naman ito sa Pilipinas na ayon sa Chinese Embassy ay lubhang nakakabahala na, dahil sa pagkunsinti sa ang mga kasamaan na may kinalaman sa online gaming operations.

Noong 2023 lamang, ayon pa sa China ay inasistehan nito ang Pilipinas sa pagpapasara sa limang POGO hubs at pinabalik sa kanilang bansa ang nasa 1,000 Chinese citizens.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with