^

Police Metro

12-anyos babae nabagsakan ng pader, patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa
12-anyos babae nabagsakan ng pader, patay
Sumalpok sa pader ang delivery jeep habang paparada sa ikalawang palapag ng parking space kung saan bumagsak ang pader sa bahay na ikinasawi ng 12-anyos na batang babae.

Binangga ng paparadang jeep…

MANILA, Philippines — Isang 12-anyos na babae ang nasawi habang dalawa ang nasugatan matapos mabagsakan ang kanilang bahay ng pader na binangga ng jeep na nawalan ng preno sa ikalawang palapag ng parking space ng isang supermarket sa Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite, nitong Miyerkules ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na si alyas Pauline, 12, residente ng Phase 3, Brgy. Burol 1. Habang nasugatan naman ang 1-anyos na si alyas Cla­riss at Jennylene Valderamos y Belardo, 28, may asawa at kapwa residente ng nasabing lugar.

Kinilala ang suspek na si William Castillo y Bathan driver ng jeep na may WML 442 at residente ng Ayusan II, Tiaong, Quezon.

Sa ulat ng Dasmariñas Police, nangyari ang insidente sa ika-2 palapag ng parking space ng isang supermarket, alas-8:50 ng gabi.

Ayon kay PLtCol. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police Station habang paakyat ang jeep na may kargang saging na saba, sa ikalawang palapag ng parking area ay bigla na lang namatay ang  makina dahilan para mawalan ng brake at dumausdos pababa.

Pagdausdos pababa ay tumama ang likod ng jeep sa pader kaya’t ang mga malalaking tipak ng pader ay nahulog sa bahay ng mga biktima.

Sa kwento ng ina ng bata na matapos nilang kumain ng hapunan ay humiga ang kanyang anak sa pintuan sa upuan kasama ang bunsong anak nang biglang lumagabog sa buhos ng mga kongkretong bato at nadaganan ng mala­king pitak ng pader ang loob ng kanilang bahay.

Nabatid sa ina na sila ay mula pa sa Batangas at dumayo sa Dasmariñas para magbakasyon matapos ang biktima ay nagtapos ng  kanyang pag-aaral kamakailan.

Nakatakdang iuwi sa Batangas ang labi ng biktima para doon ililibing.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with