^

Police Metro

Tulong ni Speaker Romualdez sa cancer patients, pinasalamatan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tulong ni Speaker Romualdez sa cancer patients, pinasalamatan
Speaker Ferdinand Martin Romualdez
facebook

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni three-time Congressman at kasalukuyang Quezon City Councilor Alfred Vargas si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging 150% increase sa Cancer Assistance Fund (CAF) na magagamit ng mga may kanser at ng kanilang pamilya sa pagpapagamot.

“This is a big blessing for cancer patients and survivors. Bilang pangunahing may-akda ng National Integrated Cancer Control Act o NICCA na nagtayo ng CAF, labis-labis ang pasasalamat natin sa pinasiglang implementasyon ng batas na ito dahil alam nating napakarami nating kababa­yan ang maliligtas nito,” pahayag ni Vargas.

Kamakailan ay napabalitang naging P1.25 bilyon ang inilagak na budget sa CAF nitong taon, mula P500 milyon noong 2023.

Ilang kongresista rin ang nagpahayag sa na­ging malaking papel ni Speaker Romualdez para lalo pang mapondohan ang cancer control program ng Department of Health (DOH).

Ani Vargas, ang idinagdag na pondo sa CAF ay sumasalamin sa malasakit ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil isa sa leading causes of death ang cancer sa Pilipinas.

Ayon sa memorandum circular ng DOH at Department of Bud­get and Management, maaaring gamitin ang CAF para sa gastusin ng cancer treatment at laboratory para sa walong cancer types: breast cancer, childhood cancers, gynecologic cancers, liver and digestive tract cancers, adult blood cancers, head and neck cancers, lung cancer, at thyroid cancer.

Maaaring lumapit ang mga cancer patient sa mga accredited cancer access site tulad ng Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center, National Kidney and Transplant Institute at iba pang regional at specialty hospitals na natalaga ng DOH para makapag-enroll sa programang ito.

vuukle comment

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with