^

Police Metro

Color game, iba pang sugal ipagbawal sa perya

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo sa mga may-ari ng peryahan na ipagbawal na ang color game at iba pang uri ng sugal para hindi makoto­ngan ng mga pulis.

Sa pagdinig sa Senado, binigyang diin ng senador na kaya kinokotongan ang mga peryahan ay dahil sa marami silang iligal na gawain, partikular ang sugal na color game.

“Kayong mga nasa peryahan, kaya kayo kino­kotongan gumawa din kayo ng iligal. Kasi kung legal kayo, kung patas kayo, di kayo kukutongan ng mga pulis,” pahayag ni Tulfo.

Sabi pa ng senador, may mga video pa siya kung saan kahit ang mga bata ay tumataya sa color game.

Sabi pa ni Tulfo, dadagsain pa rin naman ang mga peryahan dahil sa iba’t ibang palabas tulad ng mga nagta-tumbling, kumakain ng bote o sword, mga taong mukhang kabayo, target shooting ng mga bote at iba pa.

vuukle comment

SUGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with