^

Police Metro

113 SUC makakakuha ng P27.3 bilyong dagdag-budget ngayong 2024

Doris Franche-Borja - Pang-masa
113 SUC makakakuha ng P27.3 bilyong dagdag-budget ngayong 2024
Speaker Martin Romualdez answers questions during a press conference at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City on Nov. 23, 2023.
Photo courtesy of House Press and Public Affairs Bureau

MANILA, Philippines — Lubos ang pasasalamat ng 113 state universities and colleges (SUC) kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa inilaang P128.1 bilyong budget sa kanila ngayong 2024, na mas mataas ng P27.3 bilyon kumpara sa kanilang panukalang budget.

“I would like to express our deepest gratitude once again for your crucial role in securing additional funding support for SUCs in the 2024 General Appropriation Act,” ani Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).

Sa dalawang pahinang sulat na may petsang ­Enero 10 na ipinadala sa tanggapan ni Speaker Romualdez, nagpasalamat din si Ronquillo, na siya ring pangulo ng Batangas State University sa Kamara de Represen­tantes sa paglalagak ng “unprogrammed funds” na magagamit para sa kakulangan sa free hig­her education (FHE) noong school year 2022 at 2023.

“We stand united with the Honorable Speaker in his unwavering commitment to prudent allocation of government resources. Your legislative support shall empower the 113 SUCs to deliver meaningful services to the country and its people,” saad pa ni Ronquillo.

Tiniyak ni Speaker Romualdez sa PASUC na prayoridad na mapondohan ang mga paaralang pinatatakbo ng gobyerno.

Ayon kay Ronquillo, kasama sa matutulungan ng dagdag na P27.3 bil­yon ang 1.85 milyong estudyante na nag-aaral sa iba’t ibang SUC sa bansa, 72,000 faculty at staff, at 50,000 job orders at contract of service workers.

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

SUC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with