^

Police Metro

Electric trains, tricycles inilunsad vs climate change

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) na tagumpay ang selebrasyon  at paglulunsad ng paggamit ng makabagong mass public transportation sa bansa.

Pinarangalan ng CAMPI ang  Philippine National Railways (PNR) sa pamumuno ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal at ang buong Metro Manila Tricycle Operators and  Drivers Association (MMTODA) sa pangunguna ng Presidente nito na si Ace ­Sevilla sa layuning labanan ang air pollution.

Inanunsyo ni Macapagal na ang mga luma at mauusok na mga PNR trains ay papalitan na ng electric trains na kasama sa 2024 PNR Modernization Initiative na sinisimulan niya.

Sinabi ng CAMPI na ang electric trains at electric tricycles ang sagot  laban sa mga nakakamatay na sakit ng tao at climate change na dulot ng maduduming  usok na binubuga ng mga sasakyan.

Sa nasabing parangal para sa mga 2023 “Clean Air Champions,” sinuportahan din ito ni Sevilla na dapat magpalit na ng mga mas malinis at ligtas na uri ng mass public transportations para maiwasan ang mga sakit sa mga kakabayan natin at ang climate emergency

CAMPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with