^

Police Metro

3-araw pang pag-ulan, mararanasan sa habagat at bagyong Hanna – PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
3-araw pang pag-ulan, mararanasan sa habagat at bagyong Hanna � PAGASA
Patuloy na magdudulot ng walang puknat na pag ulan sa susunod na tatlong araw ang habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna at dalawa pang  tropical cyclones  na nasa labas ng  Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name SAOLA na dating si bagyong Goring at  KIROGI sa may kanlurang bahagi ng  Luzon.
PAGASA

Pinalakas pa ng 2 tropical cyclone

MANILA, Philippines — Makararanas pa ang Pilipinas ng tatlong araw na pag-uulan dahil sa pinalalakas ng bagyong Hanna at 2 tropical cyclone sa labas ng PAR, magpapa ulan pa ng 3 araw

Patuloy na magdudulot ng walang puknat na pag ulan sa susunod na tatlong araw ang habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna at dalawa pang  tropical cyclones  na nasa labas ng  Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name SAOLA na dating si bagyong Goring at  KIROGI sa may kanlurang bahagi ng  Luzon.

Dulot nito nitong sabado at ngayong araw, Linggo ay maulan sa Metro Manila,  Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at sa  northern portion ng Eastern Visayas.

Sa Lunes ay makakaranas pa rin ng pag ulan sa Metro Manila gayundin sa  Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, CALABARZON,  Bicol Region, MIMAROPA, at Western Visayas.

Samantala bahagyang lumakas at bumilis ang Bagyong Hanna habang kumikilos sa hilagang bahagi ng Sea East ngTaiwan.

Alas-11:00 ng umaga, si Hanna ay namataan ng PAGASA sa layong  455 ki­lometro sa silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes habang kumikilos sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyog Hanna  ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro kada oras at may  pagbugso  ng hangib na umaabot sa 160 kilometro kada oras.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na mag-ingat lalo na yaong mga nasa tabing ilog at bulubunduking lugar dahil sa banta ng flashfloods at landslides.

vuukle comment

PAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with