^

Police Metro

Palikerong parak, binaril ng asawang pulis!

Joy Cantos - Pang-masa
Palikerong parak, binaril ng asawang pulis!
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktima na isang Police Master Sergeant, 40 taong gulang na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) IV-A.
File

Misis ng police major, kasiping sa kotse 

MANILA, Philippines — Binaril ng isang lady cop ang kaniyang babaerong pulis na mister matapos na mahuli nito sa aktong nakikipag-sex sa misis naman ng isang police Major sa loob ng sasak­yan sa parking area ng isang mall sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna, noong Huwebes ng umaga.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktima na isang Police Master Sergeant, 40 taong gulang na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) IV-A.

Ang mga nagrereklamo ay isang Police Major, 41- anyos at ang 39-anyos na misis na may ranggong Police Master Sergeant na asawa ng binaril na palikerong parak.

Samantala, ang umano’y ka-sex ng mister ng babaeng parak ay may ranggo namang Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Calamba City Police Station.

Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormas­yon ang nasabing P/Major at ang misis ng palikerong parak hinggil sa kanilang bawal na relasyon kung saan nakita silang nag-date at namataan sa parking area ng isang mall.

Agad na sumugod ang mga nagrereklamo at dito’y nahuli umano sa aktong nagse-sex ang dalawang taksil sa loob mismo ng isang kotse sa parking area ng mall.

Sa puntong ito, nagkaroon ng komprontasyon sa parking area kung saan nagtatakbo ang mister na parak ng nasabing matapang na misis na pulis kaya pinagbabaril niya ito sa binti at balikat.

Samantala, binaril naman ng napendehong Police Major ang gulong ng sasakyan ng kaniyang misis pero nagmintis ito at nagawang makatakas patungo sa direksiyon ng Batangas.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with