^

Police Metro

Quarry ops sa Quezon, pinatitigil

Tony Sandoval - Pang-masa
Quarry ops sa Quezon, pinatitigil
Ayon kay Gov. Tan, nakarating sa kanya ang panawagan ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na hinihikayat ang mga residente ng kanilang bayan na tutulan ang operasyon ng quarry o pagmimina rito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinatitigil ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang illegal quarry operation sa lalawigan kabilang ang lahat ng quarry operations sa bayan ng Sariaya.

Ayon kay Gov. Tan, nakarating sa kanya ang panawagan ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na hinihikayat ang mga residente ng kanilang bayan na tutulan ang operasyon ng quarry o pagmimina rito.

Kasabay nito, hinikayat din ni Gov. Tan si Mayor Gayeta na pag-aralan ang mga binigay na business permit sa mga PMRB Quarry Permittee para bigyang daan ang komprehensibong pag-aaral para sa wastong pangangalaga ng kalikasan at paglinang ng likas na yaman, partikular na ang mga lugar na nasa paligid ng Bundok Banahaw.

“Simula’t sapol bahagi ng aking adbokasiya ang pangangalaga ng ating inang kalikasan at ang res­ponsable at sustinableng paggamit ng mga likas na yaman. Kaya naman simula ng ihalal ninyo ako bilang gobernadora, agaran kong tinagubilin ang mahigpit na regulasyon sa quarrying operations sa ating lalawigan” ayon pa kay Tan.

 Inatasan na rin ni Gov. Tan ang PMRB na alamin ang pagkukulang ng mga PMRB Quarry Permittee na hindi nakapag-operate sa bayan ng Sariaya dahil hindi nabigyan ng mayor’ s permit upang mas mapaigting ang ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga Pamahalaang Bayan para sa responsable at sustinableng paglinang ng likas na yaman.

Binilinan din ni Gov. Tan ang PMRB na siguradu­hing walang ilegal na quarry operation sa iba pang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, ipinag-utos din ng goberandora sa PG-ENRO na agarang ipatupad ang nakasaad sa Section 102 ng Revised Environmental Code kung saan magtatalaga ng mga lugar na idedeklarang “closed to mining application” partikular na sa mga malapit sa mga protected areas.

vuukle comment

ILLEGAL QUARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with