Mon Tulfo, inaresto sa libelo
MANILA, Philippines — Hindi na nakatakas ang brodkaster at kolumnista na si Ramon Tulfo sa Manila City Hall nang arestuhin kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong ‘cyber libel’.
Sa ulat, alas-10:05 ng umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng MPD-Special Mayor’s React Team (SMaRT) sa pangunguna ni PMaj Edward Samonte ang 75-anyos na si Tulfo habang nasa quadrangle ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila.
Inihain kay Tulfo ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 10175 o ang ‘Cybercrime Prevention Acts of 2012’ na inisyu ni Judge Maria Victoria Soriano-Villadolid, ng Manila Regional Trial Court Branch 24.
Nabatid na isang Atty. Lean Cruz, ang tumawag sa MPD-SMaRT at ipinarating na nasa bisinidad si Tulfo na may kinakaharap na arrest warrant.
Nag-ugat ang pag-aresto sa kasong libelo na isinampa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Hindi umano dumadalo sa mga pagdinig si Tulfo kaya nagpalabas ng arrest warrant.
- Latest