8 lugar sa bansa, naka-granular lockdown na
MANILA, Philippines — Bunsod nang pagdami ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ay walong lugar na sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown hanggang noong Martes.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang walong lockdown areas ay nakasasakop sa siyam na tahanan o 17 indibidwal.
Ayon pa kay Año, inaasahan na rin nilang darami pa ang bahagi ng bansa na maisasailalim sa granular lockdown dahil patuloy pa rin ang pag-akyat ng COVID-19 cases.
Noong nakaraang linggo, una nang hinikayat ng Malacañang ang mga local governments na magpatupad ng granular lockdowns para mapigilan ang clusters ng COVID-19 cases.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaari ring isagawa ang granular lockdowns sa isang tahanan, street level, purok level, community level, barangay level o serye ng mga barangay.
- Latest